TITLE: Stallion Series 4: Hiro Hinata
AUTHOR: Sofia
BOOK CODE: STAG0004
PAGES: 144
CATCHLINE: “I will love you forever. Wala nang bawian. Wala nang urungan.”
Nang magtapon yata ang Diyos ng kamalasan sa mundo ay nasalong lahat ni Jemaikha. Hindi niya nakuha ang kanyang suweldo, kinain ang ATM card niya, nadukutan siya ng pera, at nakita niya ang kanyang first and only love na si Hiro sa mga oras na mukhang binagyo ang pagkaganda-gandang buhok niya. At ang masaklap, sinabi ni Hiro na may girlfriend na ito. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaitan siya ng tadhana ng karapatan na sumaya.
Hiro was the only man who could make her happy. But he was also the only man she couldn’t have. Dahil kung mamahalin uli nila ang isa’t isa, siya rin ang makakasira dito.
Pero kaya ba niyang layuan ang kanyang kaligayahan?