Sa hardware store ni Mang Edison, nagkatipon-tipon ang mga batang bombilya. Para sa lahat, punong-puno ng kasiyahan ang araw na iyon—ngunit hindi para kay Bumbilita. Lagi siyang binabale-wala at inaalipusta ng kanyang mga kapwa batang bombilya dahil sa kanyang kakayahang magbigay ng ilaw.
Sa kabila ng kanyang munting liwanag, binili pa rin si Bumbilita—at ginamit sa sang napakahalagang pagdiriwang.
Alamin sa kuwentong ito kung saan at paano ginamit ang liwanag ni Bumbilita—at kung paanong ang maski pinakamaliit na nilalang sa mundo ay may kabuluhan.