TITLE: Dangerous Kiss
AUTHOR: FLVenus (dEityVenus)
BOOK CODE: PHR06332
PAGES: 384
CATCHLINE: “Hindi kita ipagpapalit sa iba. Promise `yan.”
Ang dapat sanang masayang Valentine’s Day ay nauwi sa isang trahedya nang masaksihan ni Joseph ang pagkamatay ng girlfriend na si Samantha.
Sa paglipas ng labinlimang taon ay nanatiling tapat si Joseph sa alaala ng namayapang girlfriend at sa sinumpaang tungkulin bilang alagad ng batas.
Pero nasubok ang kanyang katapatan nang hawakan niya ang kaso ni Lupin, ang notorious na magnanakaw na kahawig na kahawig ni Samantha. At ngayong unti-unting nahuhulog ang loob ni Joseph sa taong dapat ay kalaban, paano niya gagampanan ang sinumpaang tungkulin?
It was love against the law but he could never say no to a dangerous kiss.