Nababagot na ang osong si Beary sa kakahintay sa pagdating ng kanyang batang si Jacob mula sa eskuwelahan, at laban man sa kalooban ng kanyang mga kapwa laruan ay tumakas siya sa hardin. Pagbalik niya sa kuwarto at nalamang nawawala ang kanyang ilong, wala nang oras pa para bumalik siya sa hardin at hanapin iyon.
Alamin sa kuwentong ito kung ano ang gagawin ni Jacob pagkakita sa osong wala nang ilong- at kung ano ang halaga ng may minamahal na paboritong laruan.